If you’d like to get involved we’d be happy to hear from you. Ask us in person, or contact us at faawis@gmail.com

Members are encouraged to contribute your tula/poems to be posted at this webpage. Please send to faawis@gmail.com.

Ang Ibon
ni Edna Lesada

Pagaspas ng pakpak umaasiwas
habang pumapalaot sa ulap na alapaap,
sinisipat ang lupa habang lumilipad
simoy ng hangin sa dibdib nararamdaman.

Nakita ng isang bata ang ibong pumapalaot
pinukol ng maliit na bato na napulot,
dinaplisan ang pakpak habang pumapagaspas
tinamaan ng malakas dahil bumagal ang lipad.

Nagpaikot-ikot habang bumabagsak
pilit pa ring pakpak ay igalaw,
umiyak sa sakit na naramdaman
puso ko'y nabagabag,halos maiyak.

Lumapag ang ibon sa tuyot na damong nagkalat
duguan ang dibdib,pakpak ay di na maikampay
ang mahinang huni halos hindi maulinigan
hanggang di naglaon nawalan na ng buhay.

Sa isang bata tuwa sa puso pagnakatama
ng ibon sa puno na namamahinga,
naranasan mo ba nung ikaw ay bata pa?
na pumulot ng bato at ipukol sa maya.

 

Ang Buhay Ng Tao
ni Edna Lesada

Magmula ng masilayan ang ilaw ng buhay
Mahiwaga talaga hanggang kamatayan
Wariin ko man tila walang katapusan
Buhay sa mundo lubhang napakagulo. 

Kaligayahan kilala habang may hininga
Anumang mapaglarong kapalaran ay tarukin
Pipiliting sagipin kahit mapait ang lasapin
Ito ang haharapin hanggang kabiguan ay masupil.

Masaya,walang kalungkutan buhay ng kabataan
 Mahimbing matulog,kumain masarap
 Kabiguan o masamang kapalaran
 Sa puso at diwa ni hindi maramdaman.

Ang buhay ng tao parang saranggola
 Pagkatayug-tayug kung lumipad
 Subalit kung ang hangin ito'y kalawitin
 Mahuhulog sa lupa at magkakagula-gulanit.

Ganito ang buhay ng tao
Sumandaling kaligayahan mararanasan
Dagok ng tadhana ni hindi mo inaasahan
Tanggapin natin ng malualhati ang ating kapalaran.


 

Paskong Aking Hinahanap-Hanap
ni Dr. Georgia Sapnu

Ilaw na kumukutikutitap ay naglipana
Naggagandahang parol ay nakasabit na
Krismas tri ay napapalamutian na ng saya
Pasko sa kapaligiran ay damang-dama.

Mga handog na regalo ay nakahanda
Kahit ano lang basta galing sa pusong dakila
Ang mesa ay punung-puno ng pagkain
Para sa Noche Buenang pagsasaluhan natin.

Pagsimba sa madaling araw ay tapat na ginagawa
Sabay-sabay na maglalakad at tuwang-tuwa
Siyam na araw ang panata
Para sa Misa de Gallong alay natin sa Maylikha.

Pamilya't kaibigan ay magtitipon-tipon
Di pagkakasundo ay itatapon
Pagmamahal sa kapwa ang iyong madarama
Saan man at lalong-lalo na kanino man.

Ito ang paskong nakasanayan
Hinahanap-hanap ko ngayon ng mangibang bayan
Dahil ito ay papuri at parangal
Sa pagdating ng Sugo at Tagapagligtas ng sangkatauhan.

Maligayang Pasko at Manigong Bagong Taon sa inyong lahat!

(Esp. to Abe, Apung Inggo, Apung Tasya, Eric & Elaine) 

 

Kasawian
ni Edna Lesada

May alinlangan ang aking pagpunta
at dumalo sa sayawang gaganapin sa makalawa
hindi ko yata maatim na makita
sintang iniwanan upang sumama sa iba.

Puso ko'y nangangamba, isip nagugulo
ibig kalimutan sintang kalaguyo
sana'y maintindihan ang aking paliwanag
nang sa ganon kalooban ay mapanatag.

Remigio ang pangalan ng aking kaibigan
sa tindig na lamang at buong katayuan
mga katangiang pinapangarap ng mga kababaihan
pag-ibig bubukal kung siya'y masusul-yapan.

Himig naulinigan nagmumula sa orkestra
tugtuging may halaga sa kahapong nakaraan,
sa itong pagkakataon si Remigio'y tumayo
sa lugar ng kinauupuan ko siya'y patungo.

Hinawakan ang nanlalamig kong mga palad
At ako'y inanyayahang sumayaw,
aming dibdib nagkalapit,paa ko'y namitig,
parang bato naramdaman,hindi ko maigtig.

Habang kami'y nagsasayaw naibulong sa aking teynga
"bakit iniwan ang puso kong nagdurusa
ano ang dahilan at ikaw'y nag-asawa sa iba,
bigyan mo ako ng linaw ng puso'y hindi na magdusa".

Patawad Remigio sa pait ng aking nagawa
ako'y dumanas ng pighati at pagdurusa,
ang kapiling sa tuwina walang makamit na ginhawa,
kung hindi puro kasawian na ako ang maysala".

Ako'y napakasal sa hindi ko kagustuhan
si ama at si ina ang dahilan ng kapalaran,
ipinagkasundo ako sa isang kababatang sukdol yaman,
upang mabigyan ako ng mabuting kinabukasan".

Ang tibok ng puso dapat sundin ang pintig
hindi dapat makialam magulang man o kapatid,
malaking kamalian ang humadlang sa pag-ibig,
dusa dadanasin at pait ng puso ang haharapin.


 

One Saturday in June
(For Abe Sapnu)
ni Dr. Georgia Sapnu

Dawn is breaking, sunrise peeping
A glorious day is blossoming
Adoring decorations swaying
Food at the feast table inviting

Radiant car at the garage waiting
It’s a Saturday in June morning
A beautiful day for loving
Family and friends arriving
To celebrate a momentous wedding
Of two people with happiness flourishing.

At last the moment we’ve been waiting
Is at the church happening
Abe is at the altar waiting
Walking towards him is Gee smiling
TO BE ONE UNDER GOD’S BLESSING.

 

  Tumatanda ka na nga pala 

   By Edna Lesada

Pag ikaw ay naglalakad hindi mo na mapigilan ang hanging lumalabas paibaba o paitaas (o vice-versa)
Natututunan mong kumain ng prunes o uminom ng prune juice kung kailangan ng ‘a little action” papunta sa bathroom.
Madalas nakakalimutan ang iyong gagawin, kailangang balikan ang pinanggalingan. 
Marami kang sinulat na “notes” subalit hindi mo rin maalala kung saan mo ipinaglalagay.
Mukhang uunahan ka na ng pagong sa pagdadrive kaya pinoputpotan ka na ng ibang driver.
Kung inihihilera mo ang mga iinumin na gamut aakalain mong mga kending M&M ang mga ito, sari-sari ang hugis, kulay at sa karamihan hindi maalala kung kailan iinumin ang mga ito.
Nagdadamit ka na for comfort hindi na for looks, kaya naman kung minsan parang technicolor ang iyong kasuotan.
Halos binabasa mo lahat ng magazine mong sinusubscribahan.
Halos lahat ng iyong pag-aari ay bayad na at kayang-kaya mo ng bumili ng mga gamit na hindi mo naman kailangan.
May pagkakataong hindi maalala kotseng pinarada, gusto mong tawagan maunawaing asawa para sunduin at makauwi na.
Lahat ng kansonsilyo mo ay puro kulay puti, wala ng pula, asul o kaya abuhin.
Hindi mo ipinamimigay ang iyong mga damit kahit wala na sa uso o maliit na ang “size” sa iyo.
Binabasa mo lahat ng ads tungkol sa hemorrhoids, constipation, ang hirap nito kahit hindi kailangan binibili mo ang mga gamut tungkol sa mga ito.
Inis ka sa maingay na musika, mas gusto mong pakinggan Frank Sinatra o Benny Goodman orchestra.
Una mong binabasa ay obituary, gusto mong makita kung sino ang kaibigan mong yumao na.
Para lumawig pa ang buhay, lahat binabasa mo ang mga contents ng kakainin, sodium, cholesterol, sugar at fat.
Kailangan alam mo parati kung nasaan ang CR (comfort room o restroom) kasi madalas hindi mo na mapigilan gamitin ito.
Ikaw at ang iyong maybahay ay bihira ng nag-aaway, hindi mo kayang makipag-away at baka matuluyan buhay mong kakaunti na lamang.


© 2015 FAAWIS | User Agreement 
Make a Free Website with Yola.